LP: Aking Kompyuter {my computer}

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Ang aking laptop kompyuter na kagula gulantang na nilalaro ng aking anak! Dyos ko po! nagulat na lang kame ng makitang eto na siya, kalikot at nagmamadaling nagpupumindot! Kaya’t matapos ng picturan-galore na ito ay dali dali na akong lumipat nga aking lugar laptapan! :) mahirap nang maisahan muli ng bulinggit… :D

My laptop computer, when it surprise all of us that my daughter is actually playing with it the moment I went out of the room. OMG! she was actually pressing keys and the works with the tabs and all as if searching for those affordable modern furnitures online ! So what I did after I took a photo of her, I immediately transfer my laptop to another place :)

Black and White

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Aking isa pang lahok para sa linggong ito…  larawan ng nag-iisang Dyosa! ay ako pala toh, paumanhin, nagkamali ako ng pagkakakilala… hahahaha! oh sige, bago ma mawindang ng lubusan kayong mga bisita ko ay pakisilip na lang ang aking mas seryosong lahok DITO. pero syempre seryoso din ito ha, kuha yan ng aking kaibigang si Glen ilang minuto bago ang aking pag rampa sa simbahan bago maging tinagruian MISIS!

** another entry for this week’s theme… me as the bride a few minutes before I walk down the aisle taken by my friend Glenice, whom you can partly see on the car’s window.. By the way, please visit my other entry here.

LP: Golden {ginintuan}

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

LP: Pilak {silver}

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

May taglay na kahirapan ang tema ngaung linggong ito, kaya’t medyo natagalan ako sa paghahanap ng aking lahok, mabuti na lang at kailangan kong mag-umarte kaya’t kinailangan kong mag-lipistik at baboom! pilak ang kulay nitech! pasok ito! at muli akong nag tingin tingin sa ng makita ko ang aking sisidlan ng barya at ang aking suot na relo. Pasok!

**It took mo a long time to actually came up with something for this week’s theme. Good thing I need to fix myself for something that I had to put on my lipstick and voila! I realized that my lisptick’s cases are silver colored! check. And then I look for something else, found my coin purse that has my fat burners capsules inside (lol) and my watch too! so here they are.

and yeah, please do visit my other sites too!

walkonred

buhaymisis

LP: Ayaw

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Ayaw ko bumaba at maglakad. Gusto karga! AYAW KO! :)

** I don’t want to go down and walk. I want to be carried! I dont want! :)

LP: Mithi {wish}

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Eto ang aking bagong hair-laloo! :) nag-fi-feeling na Scarlet (Angelica Panganiban) ng teleseryeng IISA PA LAMANG… wish ko lang! pasok na nanaman sa tema ngayong linggo! hahahaha!

at eto ang translate na translate version nitech…

** This is my new hair do :) wanting to be Scarlet of the tv series IISA PA LAMANG…. oh, how I wish! another click entry for this week’s theme… lol

please visit my other entry

WALK ON RED

LP: Pagliliwaliw

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Ang pagliliwaliw ng tatlong kuneho! bow. :)

LP: Dalampasigan

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Bandang alas 6 ng umaga habang pinanonood ang pag sikat ni haring araw sa Bohol, isang araw ng Abril taong 2006. Noon pa, talagang gustong gusto ko ng dagat, tunog ng agos, ang kulay bughaw na tubig, mapipinong buhangin, tunay na kahali-halina…

LP: Dakong Kanluran {west side}

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Lubha akong nahirapan sa tema ngayong linggong ito… kaya eto ang aking lahok, mga pagkaing nagmula sa dakong kanluran ng Amerika –padala :) hahaha! pasok diba?!

LP: Luntian

Author: kathy  :  Category: Uncategorized

Kaunang paglahok ng sayt na ito sa LITRATONG PINOY. Luntian ang tema sa linggong ito, kaya’t aking napimili ang napaksarap na Crab Salad. Pero ang pinaka gusto ko sa pang-paganang ito ay ang luntiang gulay sa paligid, hindi kasi ako mahilig sa anumang pagkaing dagat.